I-deploy ang iyong site
Ang Docusaurus ay isang static-site-generator (tinatawag ding Jamstack).
Binubuo nito ang iyong site bilang simpleng static na HTML, JavaScript at CSS na mga file.
I-build ang iyong site
I-build ang iyong site para sa production:
npm run build
Ang mga static na file ay nabuo sa build folder.
I-deploy ang iyong site
Subukan ang iyong production build nang lokal:
npm run serve
Ang build folder ay sineserbe na ngayon sa http://localhost:3000/.
Maaari mo nang i-deploy ang build folder kahit saan nang madali, nang libre o sa napakaliit na halaga (basahin ang Gabay sa Deployment).